Posts Tagged ‘dlsu’

Negativism: Sa Mata Ng Isang Fence-Sitter (Para Sa UP, ADMU, DLSU, UST)

Unang nag-ingay ang mga taga-La Salle pagkatapos lumantad ni Lozada. Sa kanila napadpad si Lozada at kanyang pamilya after a turn of unfortunate events. The way I see it, papogi lang ng mga taga-La Salle ang pag-iingay; magandang publicity rin kasi to sa kanilang pamantasan.

Sumunod na nag-ingay ang mga taga-Ateneo. Syempre, di sila papatalo sa kanilang rival university. At, sumunod na rin ang UST, claim nila sa kanila daw kasi graduate si Lozada.

Ayon, parang ang gandang pakinggan noh na nag-iingay ang mga unibersidad, na may pakialam ang mga kabataan? Pero, meron bang naidudulot na maganda ang mga pag-iingay na ito?

I mean, kung seryoso ang mga unibersidad na ito sa pagko-condemn ng corruption, they should start within their system. Seriously, overpriced tuition fees? Dahil dun, fini-feed nila ang kahirapan – kasi nga di makapag-aral ang mga mahihirap.  I know, trabaho yun ng gobyerno, pero ang mga unibersidad na ito kasi against corruption, so kung seryoso sila dito, they must be part of the solution – gamutin nila ang ugat ng kahirapan.

Isa pa, di ba nanggaling naman sa mga unibersidad na ito (UP included) )ang mga “oligarchs.”  Kung seryoso talaga ang drive ng mga unibersidad na ito, then hindi sila effective dahil nagbe-breed nga sila ng “oligarchs.”

Ampf.  Sana hindi lang pang-show off ang ginagawang pag-iingay ng mga unibersidad na ito (lalo na sa UP :p).  Sana hindi lang publicity stunt.  Sana hindi lang para maging “in.”  Kung seryoso ang mga unibersidad na ito na labanan ang korupsyon, dapat gawin nilang mas accesible ang binibigay nilang edukasyon sa mga mahihirap, dapat i-instill nila sa mga estudyante nila ang patriotism, pagiging tapat at ang paninindigan na labanan ang korupsyon.

Ang mga pagkilos na ginagawa ng mga unibersidad na ito ay isang pagkukunwari lamang.  Ang itinatawag nilang resignation ni Gloria ay ika nga “isang bandaid para gamutin ang cancer.”  Hindi nga ata nila naiintindihan bakit andun sila sa lansangan eh.  At hinahayaan nilang gamitin sila ng mga puwersang ang nais ay kapangyarihan para sa kanilang mga sarili.

***Aw, wag n’yong masyadong seryosohin.  Haha.  Pero, kung iisipin n’yo, totoo naman, di ba? :p